Biyernes, Marso 16, 2012


      Mahirap daw ang buhay, totoo naman . Pero mas nagiging mahirap kung ika'y kabilang sa mga pamilyang nalulugmok sa sobrang kahirapan. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan .Ang taong mahirap ay hindi mahirap matagpuan. Sa aking palagay, sa ating bayan, ang taong mahirap saan ka man lumingon sa paligid ay makikita mo kaagad.


      Habang ang salapi ay sukatan ng kayamanan, ang kakulangan ng salapi ay maaring maging sukatan ng kakulangan ng kayamanan. Lahat tayo ay madalas nakararanas ng kakulangan sa salapi. Mga nanlilimos sa daan ay isa sa mga halimbawa . Kung magiging responsable lamang ang mga tao sa paligid ay malamang walang pakalat-kalat na mga nanlilimos sa lansangan, wlang uhuging bata na nanghihingi ng limos, at wlang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom ang makikita natin. Lahat tayo ay may karapatan makapag-aral, karapatang makapaglibang, karapatang makakain ng masarap at masustansyang pagkain, karapatang tumira sa malinis at maayos na lugar.


      Sila ang mga taong walang sariling bahay, gamit, damit at pagkain. Sila ay salat sa karangyaan ng buhay na natatamasa ng iba. Sila ang mga taong madalas natutulog sa kalsada, sa ilalim ng tulay, sa kariton, sa mga parke, sa tabing ilog,  sa mga flyover, overpass, waiting shed, harap ng isang fastfood chain kung sarado na, sa labas ng simbahan, sa mga eskinita at kung saan-saan pa. Marami sa kanila ay nanlilimos lamang sa lansangan para makaamot ng kahit maliit na bagay sa mga taong naglalakad. Minsan ay nakakaranas pa sila ng pang aabuso mula sa mga pulis at marami rin sa kanila ang pinagsasamantalahan ng mga sindikato. Ang ilan nama’y nakakaranas ng matinding diskriminasyon mula sa mga taong mas angat sa kanila. 


      Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sap era, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patulay na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa.

Sa problemang ito iminungkahi ng ilan sa aming mga kagrupo ang pagpunta sa mga orphanage at magsagawa ng feeding program o di naman kaya ay ang pagbigay ng kagamitan katulad ng mga damit, babasahin, at laruan. Isa pa sa aming naisip ay ang pagpulot at pangongolekta ng basura na siyang ibebenta namin. Ang pera na galing dito ang gagamitin namin pambili ng kagamitan na ibibigay namin sa mga kapos palad sa lansangan.

      Napansin namin ang pagdami ng bilang ng mga nanlilimos dito. Napag-usapan ng aming grupo na ang aming magiging aksyon. Ito ay ang pagpupulot ng basura tulad ng mga bote. Ang perang makukuha namin sa pagbebenta ng basura ay ang gagamitin namin upang makatulong sa mga kapos palad sa lansangan.



Objectives



Malaman ang pananaw ng mga tao




Sa pamamagitan ng pagbebenta ng basura dapat makalakip kami ng pera
Strategy



Talatanungan






Pangolekta at pagbenta ng basura
Persons involved


sidewalk vendors
Iba’t ibang mga tao



Mga tao sa junkshop
Materials needed


pictures






Pera sa basura
Dates



March 25-26, 2012





March 4
Feb 9 2012
Expected outcome


Makakuha ng mga opinion sa mga tao



Makalakip ng sapat na   pera







      February 25-26, 2012 ito ang unang araw ng paggawa namin sa proyektong ito. Hindi naging madali dahil sa napakadami ng tao. Naikot na namin ang Session road, athletic bowl, at Burnham Park. Sa pag-iikot namin, kakaunti lamang ang aming nakuhang mga bote dahil nga sa madami din ang nangangailangan at nangongolekta noong araw na iyon. Ngunit sa pagtatapos nga araw nakakuha kami ng sapat para mapakain ang isang tao. 






      March 4, 2012 ang huling araw namin sa paggawa ng proyekto. Katulad ulit ng huli kami ay nagpulot ng mga bote. Ngunit sa araw na to namin ibinenta an gaming mga napulot.  90.00 sapat na upang kami ay makabili ng mga pagkain na aming ibibigay sa mga nanlilimos. Nakapili kami ng tatlo ang matanda sa session road na simula ng kami ay bata ay nakikita na namin na nanlilimos doon. Ang dalawang  matanda na nasa tapat ng cathedral church. Hindi pa rin maalis sa aming mga isipan ang bakas ng kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa maliit na paraan kami ay nakatulong.










       Ng makita ko ang bakas ng kasiyahan sa mukha ng aming mga natulungan , napagtanto ko na sa maliit na pamamaraan ay maari kaming makatulong at makapagbigay ng saya. Sa aming munting pamamaraan nakagawa kami ng bagay na simple ngunit may malaking epekto sa buhay ng ibang tao.



      Nabuo itong proyektong ito dahil sa pagkakaisa na ipinamalas ng mga grupong MAKABAYAN. Kami ay nagpapasalamat sa mg ataong tumulong saamin, kabilang na ang mga nagtratrabaho sa junkshop at gayon din sa may-ari nito na kung hindi dahil sa kanila hindi namin maititinda ang aming naipong mga bote. Lubos din akong nagpapasalamat sa mga taong aming nkapanayam sa aming proyekto