Mahirap daw ang buhay, totoo naman . Pero
mas nagiging mahirap kung ika'y kabilang sa mga pamilyang nalulugmok sa sobrang
kahirapan. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa.
Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat
na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan .Ang
taong mahirap ay hindi mahirap matagpuan. Sa aking palagay, sa ating
bayan, ang taong mahirap saan ka man lumingon sa paligid ay makikita mo kaagad.
Habang ang salapi ay sukatan ng kayamanan, ang kakulangan ng
salapi ay maaring maging sukatan ng kakulangan ng kayamanan. Lahat tayo ay
madalas nakararanas ng kakulangan sa salapi. Mga nanlilimos sa daan ay isa
sa mga halimbawa . Kung magiging responsable lamang ang mga tao sa paligid ay
malamang walang pakalat-kalat na mga nanlilimos sa lansangan, wlang uhuging
bata na nanghihingi ng limos, at wlang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom ang
makikita natin. Lahat tayo ay may karapatan makapag-aral, karapatang
makapaglibang, karapatang makakain ng masarap at masustansyang pagkain,
karapatang tumira sa malinis at maayos na lugar.
Sila ang mga taong walang sariling bahay,
gamit, damit at pagkain. Sila ay salat sa karangyaan ng buhay na
natatamasa ng iba. Sila ang mga taong madalas natutulog sa kalsada, sa
ilalim ng tulay, sa kariton, sa mga parke, sa tabing ilog, sa mga
flyover, overpass, waiting shed, harap ng isang fastfood chain kung sarado na,
sa labas ng simbahan, sa mga eskinita at kung saan-saan pa. Marami sa kanila ay
nanlilimos lamang sa lansangan para makaamot ng kahit maliit na bagay sa mga
taong naglalakad. Minsan ay nakakaranas pa sila ng pang aabuso mula sa mga
pulis at marami rin sa kanila ang pinagsasamantalahan ng mga sindikato. Ang ilan
nama’y nakakaranas ng matinding diskriminasyon mula sa mga taong mas angat sa
kanila.
Sa problemang ito
iminungkahi ng ilan sa aming mga kagrupo ang pagpunta sa mga orphanage at
magsagawa ng feeding program o di naman kaya ay ang pagbigay ng kagamitan
katulad ng mga damit, babasahin, at laruan. Isa pa sa aming naisip ay ang
pagpulot at pangongolekta ng basura na siyang ibebenta namin. Ang pera na
galing dito ang gagamitin namin pambili ng kagamitan na ibibigay namin sa mga
kapos palad sa lansangan.
Napansin namin ang pagdami ng bilang ng mga nanlilimos dito. Napag-usapan ng
aming grupo na ang aming magiging aksyon. Ito ay ang pagpupulot ng basura tulad
ng mga bote. Ang perang makukuha namin sa pagbebenta ng basura ay ang gagamitin
namin upang makatulong sa mga kapos palad sa lansangan.
Objectives
Malaman ang
pananaw ng mga tao
Sa pamamagitan ng
pagbebenta ng basura dapat makalakip kami ng pera
|
Strategy
Talatanungan
Pangolekta at
pagbenta ng basura
|
Persons involved
sidewalk vendors
Iba’t ibang mga
tao
Mga tao sa
junkshop
|
Materials needed
pictures
Pera sa basura
|
Dates
March 25-26, 2012
March 4
Feb 9 2012
|
Expected outcome
Makakuha ng mga
opinion sa mga tao
Makalakip ng
sapat na pera
|
February
25-26, 2012 ito ang unang araw ng paggawa namin sa proyektong ito. Hindi naging
madali dahil sa napakadami ng tao. Naikot na namin ang Session road, athletic
bowl, at Burnham Park. Sa pag-iikot namin, kakaunti lamang ang aming nakuhang
mga bote dahil nga sa madami din ang nangangailangan at nangongolekta noong
araw na iyon. Ngunit sa pagtatapos nga
araw nakakuha kami ng sapat para mapakain ang isang tao.
March
4, 2012 ang huling araw namin sa paggawa ng proyekto. Katulad ulit ng huli kami
ay nagpulot ng mga bote. Ngunit sa araw na to namin ibinenta an gaming mga
napulot. ₱90.00 sapat na upang
kami ay makabili ng mga pagkain na aming ibibigay sa mga nanlilimos. Nakapili kami
ng tatlo ang matanda sa session road na simula ng kami ay bata ay nakikita na
namin na nanlilimos doon. Ang dalawang
matanda na nasa tapat ng cathedral church. Hindi pa rin maalis sa aming mga isipan ang bakas ng kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa maliit na paraan kami ay nakatulong.
Ng makita ko ang bakas ng kasiyahan sa mukha ng aming mga natulungan , napagtanto ko na sa maliit na pamamaraan ay maari kaming makatulong at makapagbigay ng saya. Sa aming munting pamamaraan nakagawa kami ng bagay na simple ngunit may malaking epekto sa buhay ng ibang tao.
Nabuo itong proyektong ito dahil sa
pagkakaisa na ipinamalas ng mga grupong MAKABAYAN. Kami ay nagpapasalamat sa mg
ataong tumulong saamin, kabilang na ang mga nagtratrabaho sa junkshop at gayon
din sa may-ari nito na kung hindi dahil sa kanila hindi namin maititinda ang aming
naipong mga bote. Lubos din akong nagpapasalamat sa mga taong aming nkapanayam
sa aming proyekto
Tama lang na kahit konti lang ang maitulong sa mga nahihirapan, mga may kapansanan ay nagbibigay dulot sa kanila ng isang magandang kasiyahan at walang labis na pasasalamat.kahit sa ganung sitwasyion ay meron mga taong nagmamalasakit sa kanila.
TumugonBurahin